Catharsis//Rebirth
A hodgepodge of songs that examine the concept of rebirth and/or catharsis as experienced in the caves of Mount Banahaw.
Paul Nicholas Pacheco
Repleksyong Pangbundok
Sa pangkalahatan, napakaganda at hindi ko malilimutan ang pagbalik ko sa Bundok ng Banahaw. Kagaya nga ng sabi, hindi parehas ang lakbay kahit pa man parehas ang pinuntahan mo. Syempre ito ay maiiba sa mga kasama mo at dahil sa mga kaganapang nangyari at kung ano nadama mo doon.
Itinuring ko ito bilang isang pag pahinga at pang pa relax kahit na nakakapagod mag lakad buong araw at mag “hike” sa bundok kundi dahil nasa labas ka at nadadanas mo ang kapaligiran at ang magagandang paligid habang maganda ang simoy ng hangin. Nakapaglakbay ka sa mga palay, lugar na puro puno at kweba at bundok. Swerte nga at maganda ang panahon ng araw na iyon at masayahin ang mga kaklase kong kasama noong araw na iyon.
Hindi na ko pumasok sa Husgado dahil nakapasok na ko dati doon at takot padin ako doon kahit papaano. Dahil na din siguro sa pagkakita ng ahas at sa nangyaring katagalan kaya hindi na ako tumuloy.
Trixia Co and Vincent Pleyto
Banahaw: Isang Pagmulat
Pumunta kami sa lugar na hindi inaasahang mararamdaman ang kaginhawahan
Lalo pa’t nang nasa ibaba pa lama’y kaba at takot na ang unang naramdaman.
Unang sumalbong sa amin ang daan-daang hakbang patungo sa “kalinisan”
Ito’y hindi lamang para sa aming katawan, kung hindi pati na rin sa aming mga isipan.
Sunod naming tinahak matapos mananghalian
Ang kuwebang kung saan kami’y muling nabinyagan
Katahimikan, kadalisayan at kapayapaan ang aming mga naramdaman
Pag-ahon mula sa tubig na likas mula kay Inang Kalikasan
Sa kasamaang-palad, hindi sapat ang oras upang makaaakyat pa sa Kalbaryong pinakataas-taas
Kaya dumiretso na lamang kami sa Husgado na sinasabing napakarahas.
Madilim, makipot, mainit at talagang buhay na naming lahat ang nakataya
At ang kaisa-isang bagay na aming kinapitan ay naging ang aming pananampalataya.
Sa bawat batong dinaanan at kuwebang pinasukan, hirap at pasakit ang natamo
Ngunit nang sa kinalaunan, malalm na realisasyon na ang aming napagtanto.
Malilim ang pinag-uugatan ng mga paniniwalang Pilipino, lalung-lalo na sa ating rehiliyon
Ito’y likas at malakas at ang pag-alab ay mula sa bawat isa,
Kaya naman ang mga paniniwalang ito ang bumubuo sa pundasyon ng ating pinakamamahal na nasyon.
Vince Pleyto and Tricia Co
“Mt. Banahaw”
Here is a (very) rough depiction of Mount Banahaw. Despite my artistic shortcomings, I tried to show the activities that we went through during our trip. The lower left shows a steep flight of stairs that we had to use to get to the springs. We bathed for a while in the springs before going back up the stairs to get to the next cave. The next cave is the one on the lower right. Here, we climbed down the slippery rocks of the cave to a watery area. Here, one by one, we were “baptized” in that water. After, we went to another cave called “Husgado”. This cave wasn’t slippery like the previous one but it was very tight inside and the rocks were jagged. Getting through was quite a challenge but in the end, most of us were able to get through it without getting seriously injured. The “Banahaw Experience” was a unique and from now on, whenever I go there, I’ll probably always remember sir Isorena’s epic history 165 class.
Hazel Joy Shi
Banahaw, Rizalista, at Kristiyanismo
Ang pag-akyat sa Banahaw na marahil ang pinakamahirap na bundok na aking naakyat sa aking buhay. Ang sa tingin kong nagpahirap dito ay ang talong kailangang puntahan at ang mga kuwebang kailangan pasukin na hindi ko naranasan sa mga mas naunang bundok na aking inakyat. Bagaman sinabi ng aming guro na magiging mahirap ang pag-akyat sa bundok, hindi ko inasahang magiging ganoon nga kahirap ito. Sa pagbaba pa lamang ng hagdan patungo sa talon ay hirap na hirap na ako, nahihirapan akong ipagpatuloy ang pagbaba sa hagdang iyon sapagkat hindi ko mapigil ang pagnginig ng aking mga tuhod na nagdulot ng mas matagalang epekto sa sumunod na mga ginawa sa bundok na iyon dahil mabilis akong mapagod sa mga sumunod na aktibidades at pinilit na gumalaw nang kasimbilis ng aking mga kasama, kasama na rito ang pagpasok sa mga kuweba.




